Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

ederic@multiply

Welcome to my Multiply site.

I am the founding editor of the youth e-zine Tinig.com and I blog in Filipino at ederic@cyberspace. You may view a collection of my writings at Titik ni Ederic.

Blog EntrySep 11, '10 4:53 AM
for everyone
(Burador ng pahayag na binasa sa gabi ng parangal kay Alexander Martin Remollino ng mga makabayang makata at manunulat noong Setyembre 6, 2010 sa simbahan ng UCCP sa Cubao, Lungsod ng Quezon)

[caption id="attachment_2441" align="aligncenter" width="230" caption="Alexander Martin Remollino, kapatnugot ng Tinig.com"]Alexander Martin Remollino[/caption]

Marahil, marami po sa ating naririto ngayon ay naubusan na ng mga salita sa nangyari kay Alex. Ang ginagawa na lang natin — lalo na iyong mga di nakasama si Alex sa huling yugto ng kanyang paglalakbay — ay maghapuhap ng mga alaala noong kapiling pa natin siya.

Kaya hayaan ninyong ikuwento ko kung paano namin nakasama si Alex sa website at online community na Tinig.com, na iniluwal sa inspirasyon ng People Power 2. Maaari siguro naming ipagmalaki na kami sa Tinig.com ang mga unang nakasama ni Alex sa kanyang pagtahak sa cyberspace.



Alex & Mong, mga kolumnista ng Tinig.com

Ganitong buwan din, Setyembre, taong 2001, nang malathala ang mga unang akda ni Alex sa Tinig.com.

Dahil sa humanga ako sa kanyang husay sa pagtalakay sa mga usapin at sa galing sa paggamit ng Filipino at English, pagkalipas ng ilang buwan ay inan [...]

======
From http://ederic.net

Blog EntryApr 17, '10 1:27 PM
for everyone
Dingdong Dantes at Marian RiveraPara sa mga tagahanga nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, magandang balita: palabas na sa Mayo 5 ang bago nilang pelikula, ang "You To Me Are Everything."

Ano ang mangyayari kapag nagkatagpo at nagkapalit ng katayuan sa buhay sina Iska (Marian), isang masayahing Igorota mula sa kabundukan ng Benguet at Raphael (Dingdong), na anak ng isang mayamang politiko?

Mula sa Regal Entertainment, Inc. at GMA Films, ang romantic comedy na ito ay pelikula ni Direk Mark A. Reyes.



Humanda nang tumawa at ma-inlab sa patikim na ito:








======
From http://ederic.net

Blog EntryApr 17, '10 1:26 PM
for everyone
Dingdong Dantes at Marian RiveraPara sa mga tagahanga nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, magandang balita: palabas na sa Mayo 5 ang bago nilang pelikula, ang "You To Me Are Everything."

Ano ang mangyayari kapag nagkatagpo at nagkapalit ng katayuan sa buhay sina Iska (Marian), isang masayahing Igorota mula sa kabundukan ng Benguet at Raphael (Dingdong), na anak ng isang mayamang politiko?

Mula sa Regal Entertainment, Inc. at GMA Films, ang romantic comedy na ito ay pelikula ni Direk Mark A. Reyes.



Humanda nang tumawa at ma-inlab sa patikim na ito:








======
From http://ederic.net

Blog EntryApr 15, '10 12:25 AM
for everyone
Ang Yahoo! ay naghahanap ng reporter/producer at interns. Eto ang details:

PRODUCER/REPORTER:

Yahoo! Southeast Asia is looking for a producer/reporter to develop stories for the web.


  • The candidate must have 3 to 5 years experience in television production, a news wire agency, or online news media.

  • The candidate must be knowledgeable about online journalism and ready to use multimedia technology to find and develop stories for the Internet.

  • Willing to work with little supervision but can plan coverage, edit stories, and has sense of immediacy for news.

  • Teamplayer who is willing to work for a regional team.


Reposted from ErwinOliva.com:



INTERN:

Yahoo! Southeast Asia is looking for journalism interns to work for its Manila operations. The candidate must be:


  • Graduating journalism student with unfulfilled credits for an internship program

  • Must have knowledge in diverse topics, including politics, entertainment and lifestyle

  • Willing to work with little supervision but is a teamplayer.

  • Willing to be assigned to cover news events.

  • Must good grasp of web and multimedia journalism and has a sense of immediacy for news.



All those interested should send an application letter no later than Monday, April 19 explain why you’re interested in this program along with your resume to charleyb[at]yahoo-inc[dot]com

======
From
http://ederic.net

Blog EntryApr 15, '10 12:25 AM
for everyone
Ang Yahoo! ay naghahanap ng reporter/producer at interns. Eto ang details:

PRODUCER/REPORTER:

Yahoo! Southeast Asia is looking for a producer/reporter to develop stories for the web.


  • The candidate must have 3 to 5 years experience in television production, a news wire agency, or online news media.

  • The candidate must be knowledgeable about online journalism and ready to use multimedia technology to find and develop stories for the Internet.

  • Willing to work with little supervision but can plan coverage, edit stories, and has sense of immediacy for news.

  • Teamplayer who is willing to work for a regional team.


Reposted from ErwinOliva.com:



INTERN:

Yahoo! Southeast Asia is looking for journalism interns to work for its Manila operations. The candidate must be:


  • Graduating journalism student with unfulfilled credits for an internship program

  • Must have knowledge in diverse topics, including politics, entertainment and lifestyle

  • Willing to work with little supervision but is a teamplayer.

  • Willing to be assigned to cover news events.

  • Must good grasp of web and multimedia journalism and has a sense of immediacy for news.



All those interested should send an application letter no later than Monday, April 19 explain why you’re interested in this program along with your resume to charleyb[at]yahoo-inc[dot]com

======
From
http://ederic.net

Blog EntryMar 14, '10 12:35 PM
for everyone
Marvin Agustin and Nikki Gil in The Red ShoesNanood kami kagabi ni Myla ng pelikulang "The Red Shoes" nina Marvin Agustin at Nikki Gil. Mala-special screening pa nga dahil kaunti lang kami sa sinehan. Sayang at tila marami ang naka-miss sa isang magandang pelikula.

Isinasalaysay ng "The Red Shoes" ang kuwento ni Lucas (Marvin Agustin), na noong 10 taong gulang pa lamang ay nagnakaw ng isang pares ng pulang sapatos mula sa koleksyon ni Imelda Marcos. Sa pagtatapos ng EDSA People Power Revolution, napasama ang bata sa grupo ng mga mamamayang pumasok sa Malakanyang pagkatapos tumakas ng pamilya ng diktador. Ibinigay ni Lucas ang tig-isang sapatos sa dalawang babaeng pinakamahalaga sa kanya: ang kanyang inang si Chat (Liza Lorena) at ang kanyang kasintahang si Bettina (Nikki Gil). Mga sapatos din ang magiging saksi sa relasyon nila ng kanyang ina nang mawala sa kanilang buhay ang kanyang ama dahil sa trahedya ng Film Center ni Imelda, at sa pagharap nila ni Bettina sa mga problema sa kanilang mala-langit at lupang ugnayan.

Kahit ang isang bahagi ng istorya ay naganap sa isang mahalagang yugto ng kasaysayan ng ating bansa at kahit malaki ang papel ng mga sapatos ng dating Unang Ginang sa kwento, ang "The Red Shoes" ay tungkol talaga sa buhay at pag-ibig ni Lucas. Sa kabila nito, hitik ang pelikula sa mga references sa kasaysayan at lipunang Pilipino. Hindi nitong inisnab ang mga isyung gaya ng katarungan, katiwalian sa gobyerno, at pananatili sa bansa. Naroon ang kuwento ng mga tsinelas ni Gat Jose Rizal na ipinaanod sa ilog, ang pag-aalay ni Ninoy at ng mga kabataan ng buhay sa paglaban sa diktaturyang Marcos, ang kakarampot na sahod ng mga empleyado, at ang diskusyon tun [...]

======
From http://ederic.net

Blog EntryMar 14, '10 1:37 AM
for everyone
Napapansin ko lang na lagi akong nagba-blog tuwing kakapanalo lang ni Manny Pacquiao. At gaya nang dati, binabati ko ang sambayanang Pilipinong kinabahan para kay Pacquiao, para makita lamang si Joshua Clottey na ginawang punching bag ng ating Pambansang Kamao.

Congratulations, Team Pilipinas, Team Pacquiao, at siyempre, sa Team Jinkee. Ganundin kay Nanay Dionisia.

======
From http://ederic.net

Blog EntryMar 10, '10 10:14 AM
for everyone
Nag-birthday ako nitong nakalipas na linggo. Sa weekend bago ang kaarawan ko, umuwi kami kina M at naghanda roon ng kaunting spaghetti at manok. Nakapanood din kami ng "Miss You Like Crazy." Nag-leave rin ako sa trabaho nang dalawang araw para makapagpahinga, at medyo binawasan ko rin ang pagpo-post sa social networks ko. Nung Biyernes, nagamit ko ang palm card ng Pizza Hut at nagsalu-salo kami ng mga katrabaho ko sa pizza at chicken wings.



Samantala, ilang araw na akong nagrereklamo sa pabalik-balik na sakit ng ulo. Tanong ng isang sa mga kasamahan ko kanina nang mabanggit ko ito ulit habang nagtatanghalian. "Ilang taon ka na ba, Ederic?" Senyales na nga ba ito ng pagtanda?

Naalala ko tuloy ang payo ni Baz Luhrmann: "Enjoy the power and beauty of your youth." Sabagay, considered pa naman akong youth. Kaso, wala yung beauty; at invisible pa yata ang secret power ko.

======
From http://ederic.net

Blog EntryFeb 24, '10 11:23 AM
for everyone
[caption id="attachment_2340" align="alignleft" width="300" caption="Maaari bang umusug-usog nang konti?"]Maaari bang umusug-usog sa bus?[/caption]Habang nakapila sa hintayan ng bus sa ibaba ng opisina namin kanina, nasaksihan ko ang isang kabaligtaran ng isa sa mga pundasyon ng People Power.

Depende sa oras at suwerte, mga 15 hanggang 30 minuto ang pagitan ng mga biyahe. Kaya naman nang dumating at tumigil ang bus, pinakiusapan ng konduktor ang mga pumapasok na dumiretso lamang sa dulo para mas marami ang makasakay. But no, ang gusto talaga ng mga kababayan natin ay laging makababa agad. Nagkatrapik-trapik sa malapit sa pinto, pero anluwag-luwag sa dulo ng bus.



Itinuro na nga namin sa konduktor ang nakatayong babaeng pinagmumulan ng pagsisikip dahil ayaw umusog sa loob, pero deadma pa rin ang ale. Maginhawa na siguro siya sa kanyang pagkakatayo, kaya wala na siyang pakialam sa ibang pasahero. Na-bad trip kami. "Sarili lamang kasi ang iniisip!" na lang ang naibulalas ko.

Di ba't isa sa pinakabatayang elemento ng ating People Power ay ang "bayanihan"? Ang tuwirang kabaligtaran nito ay ang pag-iisip ng sariling kapakanan -- ang ako muna mentality.

Sobrang hirap na nga ba ng buhay sa bayan nating pugad ng luha at dalita para asikasuhin lamang ang sariling kapakanan at wala nang puwang para isipin pa ang kapwa?

May kantang related sa topic na ito si Gary Granada, isa sa mga paborito kong mang-aawit. Ang pamagat ng kanta ay "Kahit Konti". Di lang ito tungkol sa literal na pagbabahagi ng espasyo sa mga pampublikong lugar, kundi tungkol din sa pagbibigayan sa ating mga posisyon sa iba't iban [...]

======
From http://ederic.net

Blog EntryFeb 20, '10 11:47 AM
for everyone
Na-interview ako nitong nakalipas na linggo sa isang TV station dahil sa aking pagiging blogger at editor ng Tinig.com. Medyo nahiya naman ako sa mga taong naliligaw rito at sa Tinig dahil laging walang bago. Tapos kagabi, related sa blogging ang panaginip ko.  Kanina naman nagkita kami ng isang blogger-friend -- na naging kaibigan ko na rin sa tunay na buhay -- kasama ang kanyang asawa. Kailangan ko na ngang magbalik-blogging kahit masyadong okupado sa trabaho.

Nauna ko nang tinanggal ang paid ads dito sa blog na ito. Ngayon naman, siguro'y babalik ako sa journal-style para mai-record ang mga karanasan ko sa bawat linggo gaya ng ginagawa ko noon. Siyempre, di pa rin naman mawawala ang mga komentaryo ko sa iba't ibang bagay.

Nariyan pa ba kayo?

======
From http://ederic.net

Blog EntryJan 2, '10 10:43 AM
for everyone
Ngayong 2010, sana’y bahain ng pagpapala’t putukan ng swerte ang ating mga pamilya at nawa’y maampat ang daloy ng karahasan sa ating bayan.

Manigong bagong taon!

======
From http://ederic.net

Blog EntryDec 25, '09 5:03 AM
for everyone
Kahit di naman talaga bagay ang snowman sa Pilipinas, hayaan na rin ninyong batiin niya kayo:

Snowman

======
From http://ederic.net

Blog EntryDec 24, '09 12:01 AM
for everyone
Imperyalismo - Gibo Teodoro?

Burukrata-kapitalismo - Manny Villar?

Pyudalismo - Noynoy Aquino?

======
From http://ederic.net

Blog EntryDec 7, '09 10:47 PM
for everyone
Nang mabasa ko ang blog entry ni Abe na "How the Bureau of Customs Spoiled the Fun", naalala ko ang aking sariling kwentong Customs.

Kahapon, pumunta ako sa Quezon City Post Office at kinuha ko yung in-order ko sa eBay na tatlong replacement styli para sa Palm Centro ko. Maayos naman ang transaction, at gaya nang dati, mababait pa rin ang mga empleyado roon, pati na ang mga nasa Customs section.

Pero may naranasan ako sa tao ng Bureau of Customs (BoC) sa Taguig Post Office na medyo nagpapainit ng ulo ko kapag naaalala ko. Ang nangyari kasi, yung palpak nila, ako ang nagdusa.



Nag-order ako ng headset para pa rin sa aking Palm. Dahil akala ko ay malapit sa opisina at madaling puntahan ang post office sa Taguig, ang ginamit ko ay ang aming office address. Nasanay rin kasi ako noong nasa GMA-7 pa ako na sa office bumabagsak ang notices at packages ko. Nang dumating sa akin ang notice galing sa post office, medyo natagalan pa bago ako nakapunta roon.

Isang lunch break, sinadya ko ang Taguig Post Office. Hindi pala siya madaling puntahan dahil sa trapik, lalo na kung naka-taxi. Tapos na ang break nang makarating ako. Medyo namali pa ako ng estimate ng pamasahe, kaya medyo hindi maganda ang pakiramdam ko, at tila pinagtaguan ako ng mga ATM sa araw na iyon.

Anyway, pagdating ko sa post office, binayaran ko ang P35 na fee at tumuloy na ako sa Customs section. Isang nagpapaka-busy na mama ang naroon, at sinabi niya sa akin na hindi raw pwedeng i-release ang package ko dahil wala yung taong in-charge! Pumunta raw sa main office nila sa BoC. Aba'y nagulat ako. Wala po ba kakong iba na pwedeng mag-check noon. Wala raw. Balikan ko na lang daw.

Kahit iritado na, magalang kong ipinaliwanag na sinadya ko pa iyon, at hindi ako talaga makakapunta sa ibang araw kapag office hours dahil may trabaho ako. Ngunit kahit siguro maglupasay ako roon, di niya ibibigay [...]

======
From http://ederic.net

Blog EntryDec 5, '09 11:13 AM
for everyone
Matapos itanggi ni Press Secretary Serge Remonde kagabi na nagdeklara ang pangulo ng batas militar sa Maguindanao, pormal namang itong ipinahayag kanina ni Executive Secretary Eduardo Ermita.

Proclamation 1959 ni Gloria Macapagal-Arroyo ang naglagay sa lalawigan ng Maguindanao -- liban sa ilang teritoryo ng Moro Islamic Liberation Front doon -- sa ilalim ng martial law.



Ayon sa Saligang Batas, maaaring isailalim ng pangulo ang buong bansa o alinmang bahagi nito sa panahon ng pananakop o rebelyon.

So far, wala pa naman tayong nababalitaang rebelyon o pananakop sa Maguindanao. Ang pinakamalapit sa rebelyon ay ang pagsalungat isang angkang kakosa ni Gloria sa pag-aresto sa kanila matapos sampahan ng kaso dahil sa Ampatuan Massacre.

Ginamit sa proklamasyon ang depinisyon ng rebelyon sa batas. Bale dahil daw pinagkakaitan ng mga armadong grupo sa Maguindanao ang Executive ng kapangyarihang ipatupad ang batas, nagaganap ang krimen ng rebelyon, at syempre, pwede ring mag-martial law.

May pasaway na armed group ang isang angkang malapit sa pangulo, pero di na niya masaway ang mga ito, tapos kinampihan pa ng korte. Ang sagot ni Ate Glo, batas militar. Parang medyo OA lang. Akala ko strong republic, yun pala hindi.

Marami ang nagsasabing tinetesting lang ni Gloria ang sitwasyon. Posible raw may iba pa siyang balak na mas malaki kaysa rito. Baka ang naiisip niya ngayon ay "Ganito kami sa Maguindanao. Ganito sana sa buong bansa." Espekulasyon, oo. Pero di ba ang pagtakbo niya dati sa Kongreso sa 2010 ay naunang itinuring na biro lang?

Magbantay po tayo.

======
From http://ederic.net

Blog EntryNov 30, '09 2:40 AM
for everyone
Gloria Macapagal Arroyo

Hindi pa napapagal si Gloria Macapagal-Arroyo. Tatakbo pa siyang congresswoman sa ikalawang distrito ng Pampanga.



Inasahan na nating lahat iyan. Hindi siya bibitiw sa poder. Kailangan niya ng immunity dahil sa patung-patong na kasong maaaring isampa sa kanya dahil sa pangga-Garci at iba pa niyang ginawa sa atin habang siya'y nakapuwesto.

Malamang, gusto niyang maging prime minister! Di nga ba't may inihahanda nang constitutional convention ang mga malalakas sa kanya at mga kakampi niya sa Kongreso?

Napansin ko lang, Rizal Day 2002 nang sinabi noon ni Gloria na di na siya tatakbong pangulo sa 2004. Siyempre, kunyari lang yun. Tumakbo siya't nang-Garci pa nga, di ba? Ngayon, Bonifacio Day naman nang i-announce niyang tatakbo siya sa Kongreso sa 2010. Sabi pa niya, hindi pa raw siya handang iwan ang paglilingkod sa bayan. Mukhang mahilig siyang dumura sa alaala ng ating mga bayani.

Walang kapaguran at tila di matugunan ang pagkauhaw ng ilan sa kapangyarihan. Sabagay, kung ikaw ay sadyang makapal, bakit ka nga naman mapapagal?

======
From http://ederic.net

Blog EntryNov 28, '09 10:57 PM
for everyone
Di bababa sa 57 na buhay ang kinitil sa massacre sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao noong Lunes.

Kabilang sa mga pinatay ay may 30 mamamahayag. Itinuturing itong pinakamatinding atake sa mga mamamahayag sa makabagong panahon. Inilagay rin nito ang Pilipinas sa itaas ng listahan bilang pinakamapanganib na bansa sa mundo para sa mga nagttrabaho sa media.



Balak hamunin ni Esmael Mangudadatu, vice-mayor ng Buluan, Maguindanao, ang hawak ng angkan ng Ampatuan -- na kaalyado ni Gloria Macapagal-Arroyo -- sa lalawigan Maguindanao. Tatakbo siyang gobernador, at inaasahang makakalaban niya si Andal Ampatuan, Jr., mayor ng bayan ng Datu Unsay. Nasa ikatlong termino na kasi si Gobernador Andal Ampatuan, Sr. Ayon kay Mangudadatu, nakatanggap siya ng bantang may masamang mangyayari kapag itinuloy niya ang kanyang balak.

Kaya naman sa halip na siya mismo ang mag-file ng certificate of candidacy, ang pinapunta ni Mangudadatu sa Comelec ay ang kanyang asawa, mga kapatid na babae, at mga abogadong babae. Sa ilalim daw kasi ng kanilang relihiyong Islam hindi isinasali sa tunggalian ng mga lalaki ang mga babae. Ngunit hinarang, dinukot, pinagpapatay, at ibinaon ng mga armadong lalaki ang convoy ng mga Mangudadatu at kanilang mga kasama. Nasa custody na ng National Bureau of Investigation ang pangunahing suspek na si Andal Ampatuan Jr at sinampahan na siya ng kasong multiple murder.

Nagugulat at nagagalit ako sa kayang gawin ng tao para sa kapangyarihan.





======
From http://ederic.net

Blog EntryNov 25, '09 10:05 AM
for everyone
Narito ang isang awiting pinagtulung-tulungang buuin ng mga Pilipinong musikero bilang suporta sa kampanya ng Design Against the Elements, isang timpalak na humihikayat sa mahuhusay na mga arkitekto sa buong mundo na bumuo ng mga disenyo ng mga bahay tatagal sa gitna ng mga sakunang dala ng nagbabagong klima.





Eto naman ang mensahe ni G. Illac Diaz, na nagpasimula ng proyekto:

Climate change is real. Addressing climate change requires a mix of mitigation and adaptation. This requires more mitigation for industrialized countries and more adaptation for developing countries. This can be translated into one simple scenario : While the industrialized world continues to send up tonnes of carbon into the atmosphere, whether or not we blur the amounts through carbon credits, hopes are fading for those who will be receiving the sharp end of the Damocles sword; the developing world. The urgency is to realize that this is not going to stop at 350 ppm, or even double at 600 ppm, the Philippines has to realize that despite all the petitions and feel good campaigns of dreams for a climate stabilized world, real solutions need to be done. We have to get to the part where we learn to start dealing with this. The country is located right beside the warmest parts of the ocean that is in the perfect storm of vulnerable coastlines, intense winds, and an observation of growing dumping of
large amounts of rain. We need to live in a world where climate will hit the poorest of the poor first, regardless of where they live, it will test ou [...]

======
From http://ederic.net

Blog EntryNov 14, '09 1:38 AM
for everyone
May opening ulit sa Yahoo! Nasa ibaba ang buong announcement na inirepost ko mula sa Yahoo! Southeast Asia Yodel:

Wanted: Commissioning Editor for Yahoo! Southeast Asia

Yahoo! Southeast Asia is looking for a Commissioning Editor to help support the production of English-language custom-branded micro-sites.

You’ll be required to identify and commission bloggers/writers to produce a variety of articles ranging from finance to event guides. That means you’ll need both an extensive list of contacts as well as a broad knowledge of various subjects.

The role also requires you to have strong editing skills to draw out a distinct and engaging editorial voice to satisfy the Yahoo! audience. Just as important — you need to be able to recognize this quality in other people’s writing.

Given the high expectations of our users, the role requires a professional with at least five years in an editorial role.

The job will also involve:

- Identifying strong bloggers and building a strong relationship with them
- Assessing pitches from bloggers
- Editing article submissions
- Commissioning photographers and illustrators
- Issuing contracts to bloggers
- Paying bloggers

The ideal candidate will have the following skills:

- More than 5 years in an editorial role, preferably in the magazine industry
- Strong relationships with prominent bloggers
- Ability to write and re-write in an engaging style
- Strong copy editing skills, knowledge of AP style is preferred
- Strong attention to detail
- Nurturing skills to help develop bloggers

In terms of personality, we’re looking for someone who is able to juggle multiple assignments and roll with the punches. You must be able to work independently. You need to be comfortable with technology and internet publishing tools, and if not, you should at least be a quick learner.

I [...]

======
From http://ederic.net

Blog EntryNov 1, '09 8:17 AM
for everyone
Undas na naman. Marami sa atin ang bumisita sa mga sementeryo para alalahanin ang mga kamag-anak na nauna na sa dako pa roon. Namulat na tayo sa paniniwala sa kabilang-buhay. Pero ano nga ba ang pagkakaunawa natin dito?



Para sa karamihan ng mga Kristiyano, lalo na sa mga Katolikong tulad ko, may kabilang buhay. Kapag namatay daw ang tao, mapupunta sa langit ang kanyang kaluluwa kung namatay siya nang nasa ilalim ng grasya ng Diyos. Kung namatay naman siyang may mabibigat na kasalanan, sa mainit na impyerno ang byahe nila. Sa mga may mumunting kasalanan naman na kailangan pang linisin, bago sumalangit ay napupunta sa pansamantalang tambayan: ang purgatoryo.

May mga ibang pananampalataya naman na nagsasabing sa pagpanaw ng isang tao, muli at muli siyang babalik at mamumuhay sa mundo hanggang sa marating niya ang ispirituwal na antas ng perpeksyon at paglaya: ang moksha o nirvana.

Nung nasa kolehyo ako, nagsulat ako ng paper na nagsaad ng palagay kong ang cycle ng reincarnation o muli't muling pagsilang ay maaaring pareho lamang sa konsepto ng purgatoryo. Ang mga ito'y parehong proseso ng paglilinis na iisa ang destinasyon. Ang beatific vision o pagtunghay sa Diyos na mararanasan ng mga Kristiyanong nasa langit ay tila kapareho rin ng moksha o Nirvana -- ang paglaya ng mga Hindu at Buddhist mula sa pagdurusa at paulit-ulit na pagsilang.

May mga relihiyon namang naniniwala na kapag namatay ang isang tao, titigil na siya sa pag-iral. Walang kaluluwang mapupunta kung saan man. Pero sa katapusan ng mundo -- sa Araw ng Paghuhukom -- ang mga iniligtas ay muling mabuhuhay at makakasama ng Diyos sa Paraiso.

Interesting ang ganitong paniniwala dahil posibleng isiping walang konsepto ng impyerno o walang hanggang pagdurusa. Ang magiging kabayaran ng kasalanan ay kamatayang wala nang bawian. Di na parurusahan nang walang hanggan ang mga makasalanan, pero di na rin nila mararanasan ang di-matatapos na kaligayahang dulot ng pagiging kapiling ng Diyos [...]

======
From http://ederic.net

Pages:12345